Thursday, July 3, 2008

Sasakyan Kita...

Una sa lahat eh gusto kong magpasalamat agad sa inyo at babasahin nyo ang unang blog entry ko dito, hmm.. wala pa pala ako title... Mamaya na lang makakaisip din ako para diyan. Nga pala kung magaling kayo maka gets ng mga bagay bagay eh marahil alam niyo na kung anu ang maaring laman nito... Ano pa ba kundi mga samu't saring problema, reklamo at kuntyaw ng mga Pilipino sa sarili nilang bansa. Lahat ng maari nating mapansin habang nanunood ng TV, nalalakad sa labas o kahit nakatunganga lang... Sa totoo nga eh excited na ako kasi bago ko pa ito simulan eh napakarami na kong napapansin sa bayan natin... Hmm, masakit isipin na ilan sa atin eh halos ipako na sa.. san nga ba...? basta, ibaon nalang sa lupa dahil sa sobrang perwisyo na natatamo nila dito sa Pilipinas, kaya nga ang iba mas trip na lang na mag abroad kesa dito mamalagi at tiisin ang maya't mayang taasan ng bilihin at maya't mayang buka ng bibig ni Mariel Rodriguez.. (buti nlng tapos na ang uber...), pero buti nalang eh andyan parin ang mga walang sawang susuporta sa bansa natin tulad ng mga TFC subscribers at ni Pac-man na nanalo ulit... akala ko pa naman eh matatalo siya dahil siya ang dehado... o siya wag na nating patagalin ito at ihanda na niyo ang inyong sarili sa mga samu't sari na reklamo ni Mang Juan!

$~$~$~$~$~$

Malapit na naman ang pasukan ko, at muli e araw-araw ko na namang sasakyan ang FX na collorum, LRT na puno ng tao at ang aking paburitong sakayan... Ang jeep...
Doon sa parati kong sinasakyan ng jeep sa may terminal along Taft-EDSA ay siguradong walang araw na may hindi magrereklamo na pasahero... Totoo yan, tuwing sasakay na lang ako doon eh sasabayan ng mga nagrereklamong pasahero ang tindi ng sikat ng araw o kaya naman ang kulob na terminal na dasal ko parin sa ngayon eh lagyan naman sana nila ng kahit maliit na electric fan para lumabas ang baho't singaw ng paligid. At ano pa ba ang pwedeng ireklamo ng isang pasahero? Eh di ang pamasahe na kahit ako gusto ko ireklamo kaso dedma na lang kasi papagurin ko lang sarili ko, hayaan ko na lang sila ang magreklamo total halos lahat naman sila magkakasabay na nagrereklamo eh... Hindi naman sa ayaw ko ring magreklamo pero minsan eh naiinis na ko sa mga ganung pasahero na reklamo lang ng reklamo... Kaylangan rin naman nilang taasan dahil mataas na ang presyo ng diesel... Pero illegal din naman na taasan mo ang pamasahe ng walang apruba ng mga otoridad... Siguro intindihan na lang... O siguro kapaan na lang..hindi kapaan ng bulsa at mandukot ah, kapaan ng pakiramdam na ganun na nga intindihin na lang nating mga pasahero na kailangan nila yun at sana intindihin rin ng mga konduktor at drayber ang mga hinain ng mga pasahero at wag basta basta mag demanda ng taas-pasahe...

Marahil hindi na nga mapipigil ang pagtaas ng presyo ng diesel, kasabay na rin nito ang hindi pagtigil ng mga tao na magreklamo...

Para saan pa nga naman ang tinatawag na "rights" ng isang tao sa isang "diplomatic country".....

$~$~$~$~$~$

Tutal eh napaguusapan na rin lang natin ang jeep eh gusto ko i-share sa inyo ang sarili kong pagtutukoy sa mga pasahero sa loob ng isang jeep... Nandito na halos lahat ng posibleng makikita niyo o mapapansin niyo sa loob ng isang jeep, kung hindi mo man ito napapansin marahil eh maka taxi/fx/bus na tao ka o kaya nasa harapan ka ng jeep at ang napapansin mo lang eh ung view ng harapan ng sasakyan o kaya naman pagsakay na pagsakay mo ng jeep, hindi pa man ito umaandar o nagkokolekta ng pamasahe eh tulog ka na... At kung may gusto pa kayo idagdag eh isarili niyo na lang o kaya pwede mo i share sa mga fellow readers mo diba para astig...

Mga uri ng tao na parating makikita sa isang pampasaherong jeep.....

Uri : Reklamo Master
Specialty : Magreklamo ng kahit anong pwedeng ireklamo sa konduktor o drayber o kahit yung mismong jeep,
Description : Kadalasan mga may edad na ang mga taong ito.. Pinakabata nasiguro eh mga 35 yrs. old. Sila ang laging nagsisimula ng reklamo at nasa sayo na lang kung gusto mong maging alagad ni Reklamo Master at makikibaka sa kanyang reklamo o kaya panuorin na lang siyang magiskandalo sa sikip at mainit na jeep... Sila ay hindi titigil hanggat hindi pinakikingan ng drayber o konduktor o kaya hanggat hindi umaadar ang jeep.
Strengths : Kumukuha ng tapang na magreklamo kapag kulang ang sukli o hindi na discountan ng senior o student.
Weakness : Bigyan mo ng 20% discount.

Uri : Taong 'OO NGA'
Specialty : Bubuka lang ang bibig kapag nagsimula ng magreklamo si Reklamo Master.
Description : Eto yung mga kadalasan eh supporters ni Reklamo Master, either kasamahan talaga ni R.M oh di kaya hindi rin nabigyan ng discount... Kadalasan eh hindi sila magsasalita o magrereklamo hanggat walang nauuna, at kapag may nagsimula ang una mong maririnig sa kanya eh.. "oo nga!!!"
Strengths : Nambabara ng konduktor ng sangkatutak na "oo nga!"
Weakness : Kapag sumuko o nainis na ang konduktor at bigyan na rin siya ng discount o kaya umaandar na ang jeep.

Uri : Tagapangaral
Specialty : Mas kalmado kesa sa R.M. , tagabigay lang ng words of wisdom o kaya ang nais lang niyang ipahiwatig pero hindi na niya iyon gagawan ng issue...
Description : Kadalasan eto ung mga matatanda na, at napansin ko kadalasan mga lolo, yung baga wala ng lakas na sumigaw kaya ikekwento na lang sa tabi ang kanyang mga pananaw o kaya ang problema niya sa pamasahe pati na sa pamilya niya ikekewento niya rin at bahala na yung katabi niya kung gusto niya maging spokeperson at sabihin ang hinain ni lolo o kaya "opo" ka lang ng "opo" sa kanya...
Strengths : May masabihan lang ng hinain niya ok na...
Weakness : Kapag tulog ang pareho niyang katabi...

Uri : The Sleepyheads
Specialty : ....matulog....
Description : Sila ang mga taong gusto lang eh makasakay ng jeep at makatulog agad pagkatapos magbayad o minsan nga di na nakakabayad... Kadalasan ito ang mga tao na pagod galing trabaho o eskwela o kaya naman pagod kakahanap ng bagong raket na nauwi rin sa wala... Wala silang pakialam sa taas pasahe o diing ng mga kapwa pasahero basta makatulog lang siya at walang iistorbo, pwera na lang kung nasa last station na siya at tulog parin...
Strengths : Pagod galing sa trabaho o eskwela ang naguudyok sa kanya na matulog...
Weakness : Gisingin siya....

Uri : The Sleepbangers
Specialty : higher level of Sleepyheads, natutulog din yun nga lang nagwawagayway ang ulo...
Description : eto talaga di ko magets... Bakit kapag natutulog tayo sa jeep at mahimbing na ang tulog eh bigla na lang tayong magheheadbang??? Naisisp ko lang na rason dun eh marahil sa sobrang pagod mabilis tayong mawalan ng malay at nasa "sleep mode" na talaga tayo.. Yung parang kapag tulog na tayo sa gabi, wala na tayong pakiramdam kaya siguro bigla bigla tayong tutumba at mabibigla ka nalang o kaya ang katabi mo na maiinis sayo bakit mo siya inuntog. Karamihan kasi ng mga natutulog sa jeep ay may sintomas ng ganito at iba naman eh wala kaya minabuti kong ipaghiwalay ang dalawa...
Strengths : Lumalakas ang headbutt skill kasi walang kontrol at kusa nalang babagsak ang ulo mo sa katabi mo...
Weakness : Gantihan ka ng katabi mo na may parehong sintomas ng sayo o kaya batukan ng katabi mong gising at bakit sumasandal ka sa kanya...

Uri : Dedma Man
Specialty : Walang pakialam sa mga nangyayari sa loob ng jeep ni Kuya.
Description : simple lang, pagsakay na pagsakay eh ang gagawin lang ay magbayad tapos wala na..pwedeng matulog na lang ang mga taong tulad nito at hinihintay na lang na makauwi na siya..
Strenghts : worry-free, hindi na babad trip kapag sumasakay kasi dedma sa mga nagrereklamo...
Weakness : low social life.. in other words.. no friends...

Uri : Batang soundtrip
Specialty : may mp3, radyo,etc basta sounds...
Description : kalahi ni dedma pero eto amy paki naman sa nangyayari pero saglit lang at pagkatapos eh kukunin sa bag ang kanyang headset isasaksak sa cellphone o ip0d at soundtrip to the max... May tendency na kumanta so be alert....
Strenghts : hindi nabubugnot kahit trapik pa yan ng 3 oras basta may soundtrip siya
Weakness : Mauubusan ng battery sa tagal ng biyahe...

Uri : Sabit
Specialty : malakas ang gripping skill dahil sanay na nakasabit lang sa jeep
Description : Kadalasang gumagawa e mga kalalakihan edad 15-35 yrs old. Sila ang mga taong kahit madami ang bakanteng upuan eh sabit parin kasi daw macho effect yun at pagiging gentleman... Either nagyoyosi sila o trip nila ang malakas na ihip ng hangin.
Strenghts : Sanay na nakatayo sa mahabang biyahe at pampalakas ng gripping ability
Weakness : Parating nasisita ng drayber at hirap makahanap ng masasabitan...

Uri : Team "Raket"
Specialty : sanay isnabin ng tao
Description : bihira silang makikita sa jeep pero sila yung mga tao, kadalasan mga bata, na biglang papasok sa loob ng jeep at mamimigay ng sobre na nakasulat ay "galing pa po ako sa Mindanao at hihingi lang po ng pamasahe pabalik...", minsan masarap sabihin sa mga ito na doon sila kay Willie lumapit, pero mas ok na yung wag mo silang pansinin at wag magbigay kasi sabi nga nila, "wag magbigay ng piso sa bata, pandesal na lang", nagkataon naman wala akong pandesal na dala...
Strenghts : sanay sa direct approach at kadalasan eh may skill sa pagtugtog ng tambol....
Weakness : Wala atang nagbibigay sa kanila pero subok parin ng subok... -_-"

Ang susunod na dalawa eh ang mga dapat iwasan o kung hindi man eh ipag bigay alam kay Mamang Pulis...
Uri : Ride & Run
Specialty : Hide lvl 99
Description : Nakailan na akong kita ng ganito, 3 o 5 na ata... Sila yung mga sumasakay ng hindi nagbabayad for short... Simple lang tong gawin kasi ako nasubukan ko na (kasi tigis yung pera ko nun... binayaran ko naman siya kinabukasan...), sakay ka lang tpos wag kang magbayad.. yun lang.. basta ba wag kang magpapahalata sa mga katabi mo at siguradong lusot ka, eh pano kasi sa dami ng sumasakay sa isang jeep mahirap sa isang drayber na i check kung sino ang nagbayad sa hindi... Ako napansin ko lang yun kasi sanay na kong pinagmamasdan ang mga pasahero, kaya ko nga naisip ito eh... Sorry na lang dun sa nabiktima ko nun, nag-short lang talaga ako... Pano ba naman siningil pa ko ng 20 pesos dun sa registrar's office eh yun na lang ang pera ko.. T_T
Strenghts : sanay magtago sa drayber
Weakness : kapag may nakahuli sa kanya at sinubong...patay.... xP

Uri : MAGNANAKAW
Specialty : may armas....
Description : eto wala ng paligoy ligoy pa... hindi ko man nararanasan na manakawan sa jeep eh talamak parin ito sa Pilipinas kaya maging alerto parati sa mga kakaiba ang itsrua.. yung mga mukang goons...
Strenghts : mas sanay mas delekado...
Weakness : ang baguhan sa raket na ganito dedo...

sana may napulot kayong aral at napaisip kayo na "oo nga noh..." kung may iba pa kayo naisip tulad ng sabi ko eh isa inyo niyo nalang o kaya naman ipag alam niyo sa akin...

$~$~$~$~$~$

Salamat muli sa pagbabasa at sana ay nagising ko man lang kayo o hindi nasayang ang oras niyo.. Kapag may gusto kayo ireklamo ipagbigay alam niyo lang at isusumbong natin kay Tulfo! este kay Mang Juan pala..haha